[Poem] Ulilang Pangarap

• 🌿 •

Sa pagdaan ng oras, araw at taon,
Ang dapat mawala’y hindi na naglaon
Ako’y sabik parin sa pagkakataon, 
Sa’yong mga titig na kay lambing noon

Ngunit ayoko nang masaktan na muli,
Sa paghangad sa iyong naglahong yumi
Ano ba ang sanhi, ba’t ito binawi?
Hanggang kailan itong puso magtitimpi?

Isang gabing hindi na matapos-tapos
Ano ang kahulugan ng bawat kilos?
Alalahanin ang binuong pangarap
Ang maulila’y hindi katanggap-tanggap

Kaya’t patuloy na ako’y magsusulat
Ang puso’t isip, mananatiling tapat
Baka sakali sa sunod na pahina
Ikaw at ako na, sa muli ang paksa
___
L U Z A N N E

Originally published on Bittersweet Nostalgia
03.14.2013

Leave a comment